One of the things I'm intrigued with is the occurence of a dream. Some of the questions I often asked myself were: why do people dream? how do people dream? what makes a man dream? Dreams remain a mystery. It seems that more, or should I say, much is to be learned about the human brain, the human mind, or whatever you want to call it. Are dreams the result of our unconscious wants, desires, fears, hate? When people wake from a dream, what remains is the reaction to the dream. Dreams make poeple happy, afraid, even fall in love...
I dreamt this dream last September, 1997. Now I present it unto you (with some very minor enhancements, or revisions, to add spice).
Ako si Diego, ang bida ng panaginip na ito. Nagtatrabaho ako sa PGH, doon sa Central ICU, CENICU sa pagkakaalam ng mga taga-PGH. Isa akong nars dito, mag-aanim na taon na ako dito. Shit! Ang bilis ng panahon. Matanda na ako. Tandang-tanda ko pa, magkahalong saya at pait ang naramdaman ko noong graduation namin sa PICC. Masaya ako dahil tapos na lahat ang paghihirap ko sa college. Mapait dahil magkakanya-kanya na kami ng landas ng aking mga kamag-aral sa UP College of Nursing. Naaalala ko rin si Mira, girlfriend ko noong college. Mahal na mahal namin ang isa't isa, pero hindi kami nagkatuluyan. Si Mira pala, doktor na ngayon, doktor namin dito sa CENICU.
May bago kaming pasyente, hmmm, Mr. X daw. Galing siya sa DEMS, sa emergency room, nakitang nakahiga sa harap ng PGH, walang ulirat. Nandito siya ngayon nakaratay sa CENICU, comatose, less than 7 ang Glasgow coma score. Malinis nga ang tracheostomy niya... Manong, Mister X, alam ko naririnig mo ako, hindi ba huling nawawala ang sense of hearing? Kumusta na kayo, ako si Diego, ang nars ninyo ngayong araw na ito, alas siete na pala ng umaga. Lilinisin ko lang ang tubo ninyo ha? Nakilala niyo na ba si Doktor Mira? Mahusay na doktor iyon, kaklase ko nga iyon noong nursing pa kami. Nagpatuloy nga lang siya ng medicine, ako nag-nurse na kaagad. Naging girlfriend ko nga iyon eh. Mahal na mahal ko siya, mahal niya rin naman ako. Kaso, hindi ko alam, ayaw yata ng magulang niya sa akin, hindi ko na inalam, mula noong nag-break kami pagkatapos ng graduation, hindi na kami nag-usap. Nahihiya naman akong kausapin siya, mukha kasing ayaw akong kausapin, propesyonal ang pakikitungo namin sa isa't isa. Pero mahal na mahal ko siya, hanggang ngayon, kahit hindi niya ako natanggap noon, o ng pamilya niya, hindi ko alam. Mahirap lang kasi kami, walang maipagmamalaki. Pero tunay ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung bibigyan lang ako uli ng pagkakataon, iibigin ko siya. Pero huli na ang lahat, kumupas na ang pag-ibig niya para sa akin. Naku, nariyan na si Mira, ehe, Dr. Mira pala.
Sir, kumusta na si Mr. X?
Ganoon pa rin ma'am, stable naman ang vital signs, eto nga, kinakausap ko, katulad ng tinuro sa atin noon sa college.
That's good, can I have a minute with the patient please?
Yes ma'am, aasikasuhin ko na muna yung patiente ko sa kabila.
O, kumusta na Mr. X? Maswerte kayo at si Diego ang naging nars ninyo, mahusay iyon. Naging kaklase ko nga iyon noong pre-med ko, nursing kasi ang kinuha ko. Naging boyfriend ko nga iyon eh, kaso, hindi kami nagkatuluyan. Mahirap lang kasi sila, ayaw ng magulang ko sa kanya. Pinapili ako, medisina o si Diego? Hindi makatarungan ang ginawa ng mga magulang ko, pinapili ako sa dalawang bagay na importante sa buhay ko. Mahal na mahal ko si Diego ngunit malaki ang utang ng loob ko sa mga magulang ko. Pinangako ko sa sarili ko, pagkatapos ko sa medisina ay magmamahalan uli kami ni Diego. Ngunit pakiwari ko'y huli na ang lahat. Nasaktan nang husto si Diego, pakiramdam ko'y hindi na niya ako mapapatawad. Kumupas na ang pag-ibig niya sa akin. Kung mabibigyan lang sana ako ng isa pang pagkakataon... Mr. X, Mr. X, oh my God! Nurse! Nagko-code si Mr. X, Diego! Ang E-Cart!
Matapos ang ilang araw sa pagka-coma, mahiwagang nabuhayan ng ulirat ang patiente, pagkatapos mag-code. Nagsalita si Mr. X: Diego, Mira, huwag ninyong gawing hadlang ang mga mapapait na pangyayari ng nakaraan. Tunay ninyong iniibig ang isa't isa. Huwag na kayong maghintay ng isa pang pagkakataon, maaaring hindi na ito dumating pa. Mabuhay kayo sa kasalukuyan at huwag sa nakaraan, nasa inyo ang liwanag ng bukas...
Kung gaano kahiwaga ang kanyang pagkakaroon ng ulirat ay ganoon din ang pagkawala ng malay, muli. Nagtinginan ang dalawang nag-iibigan, naghawak kamay at sabay nagsabing, "Salamat sa Diyos!" Bago malagutan ng hininga si Mr. X ay kanyang sinabi, "Walang anuman..."