The Peso and Philippine Politics

Political Economy in a Philippine Setting

Home Page of Allen Pedro

Contents:

Comments welcome at pesopolitics@yahoo.com

 

PRESIDENTIAL BOMBSHELLS

President Joseph E. Estrada exploded a bombshell that created consternation among overseas Filipinos who follow developments in the Philippines through the Internet. He announced that "Concord" would seek among others the grant of the privilege of owning land and property to foreign investors in exchange for their capital.

A Filipina employed in a bank wondered how much land she would be able to buy for a business in competition with richer foreign investors. She raised the point of why OFWs should continue to save dollars only to return to a country where land would be out of reach.

What exactly did Erap say, that has fueled a new confrontation with the Anti-Martial and Anti-Marcos forces?

We will publish later our analysis of what Erap wants done and the reaction of political forces and personalities.

Ang malupit na kaayusang pangkabuhayan

at ang pag-asa ng pagbabago

(Speech of His Excellency President Joseph Ejercito Estrada on the occasion of the Birthday Celebration of Bro. Mike Velarde Quirino Grandstand, Manila 5:00p.m. 20 August 1999 Source: http://www.erap.com)

Ipinaabot ko ang aking taos pusong pasasalamat sa inyong lahat sa inyong mainit at masiglang pagtanngap sa akin. Muli akong nagpapasalamat sa inyong walang sawang paanyaya sa akin, lalo na kay Brother Mike na ngayon ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa inyong mga panalangin para sa akin, para sa ating pamahalaan, at para sa ating bansa. Alam nating lahat na walang tatalo sa lakas at kapangyarihan ng pananalangin. Ngunit ito ay kailangang tumbasan natin ng matapat na pagsisikap at ng marangal na paninilbihan.

Para kay Brother Mike, isang maligayan kaarawan. Ipinaaabot ko ang aking bukod tanging pagbati sa ngalan ng sambayanang Pilipino. Kasama ninyo ako na taimtim na nagdarasal para sa iyong kalusugan at higit pang lakas upang iyong maipagpatuloy ang iyong nasimulan.

Sa okasyon ding ito, binabati ko ng kabuuan ang El Shaddai Prayers Partners Foundation sa inyong pagdiriwang ng inyong ikalabing limang taon. Kay brother Mike, ang aking spiritual adviser, at sa El Shaddai, nakakakita ako ng pag-asa para sa ating lipunan. Kaya sa bawat imbitasyon ninyo sa akin, hindi ako nagsasawang pumunta.

Ako'y naniniwala na hindi matatawaran ang inyong matapat na paglilingkod sa diyos at malasakit sa, ating lipunan, lalo na sa pagtatanggol sa panig ng kapayapaan, ng pagmamahal at ng pagkakaisa. Ito ang mahalagang mensahe na dapat nating pagyamanin ngayon sa panahon ng krisis. Ito ang mahalagang paninindigan na siyang magtatawid sa atin mula sa gutoM patungong kasaganaan.

Bilang pagsunod sa payo ni Bro. Mike, ating itatatag ang isang Presidential Clemency Conscience Review Commission upang pag-aralan ang kaso ng mga death convicts. Ang komisyong ito ay magpapayo sa akin kung nararapat bigyan ng clemency, reprieve o patawad ang isang bilanggo sa death row. Ang mga kasapi ng komisyong ito ay manggagaling sa iba't ibang sektor ng lipunan.

Handa akong makinig sa payo ng ating mga kababayan upang sama-sama nating harapin ang mga problema ng lipunan. Ngunit walang mangayayari sa ating lipunan kung tayo ay mag-aaway at magpapalitan ng mga paratang, ng mga paninira, ng mga insulto, samantalang ang higit na nakakarami ay nakabaon sa kahirapan.

Ito ang krus na dinadala ng lipunan ngayong. Para sa akin, hindi makatarungan na pasanin na lamang natin ito habang buhay. Ang dapat nating tanong sa ating mga sarili ngayon ay kontento na ba tayo na manatiling ganito, na ang ilan lamang ang umaangat samantalang ang nakakarami ay patuloy na nagugutom at salat sa oportunidad?

Kontento na ba tayo na ilan lamang ang nakikinabang sa biyaya ng lipunan at ng kaularan, samantalang milyon-milyon anG naghihikahos?

Kontento na ba tayo na anG ating mga kabataan ay walang nakikitang pag-asa, hindi makapag-aral, nalululon sa bawal na gamot at krimen, at makapag-aral man ay walang mapasukang marangal na hanap buhay?

Kontento na ba tayo na ang mga bansang Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia ay nauunahan na tayo sa antas ng kabuhayan at kaunlaran, samantalang noon ay pumapangalawa tayo sa bansang Hapon?

Hindi ba dapat guMawa na tayo ngayon ng paraan para mapantayan o kung hindi man ay malampasan ang mga basang ito?

Nauna pa tayo sa karamihan sa ating bansa sa Asya na maging malaya. Halos pare-pareho ang ating pinagdaanan at kasaysayan, nguni't bakit sila ay maunlad na ngayon? Bakit sila ay malaya sa kahirapan?

Bakit magaganda ang kanilang mga oportunidad kung kaya't kailangan pang pumunta doon ang ating mga kababayan para mag-hanap buhay?

Bakit hindi natin maipundar ang malalaking mga pabrika at mga industriya sa ating sariling bansa para dito na magtrabaho ang ating mga mahal sa buhay? Bakit hindi makapagexport ng mga produkto na gawa ng Pilipino sa halip ng mga Pilipinong mangagawa ang ating ine-export? Why can we not export products made in the Philippines instead of exporting our people?

Bakit magaganda ang kanilang mga kalsada, mga airport, iba't-ibang mga pasilidad at ang antas ng kanilang pamumuhay? Bakit ganito ang kalagayan samantalang ang ating mga kababayan ay may higit na mataas na edukasyon at pinag-aralan kung ihahambing sa mga mamamayan ng mga lipunang ito.

Sa madaling salita, kontento na ba tayo na ang ating mga karatig bansa ay lumalakas at umuunlad samantalang tayo ay patuloy na nahuhuli at napag-iiwanan ng panahon?

Kailanman ay hindi ako papayag na hayaang manatili ang ganitong malupit na kaayusan. Hindi ako naging pangulo upang patuloy na pairalin ang lipunang iilan lamang ang nakikinabang. Hindi ako naging pangulo upang magpatuloy ang kalbaryo ng higit na nakararaming pilipino.

I did not become president to preside over this anomalous arrangement of poverty that has condemned our people for many decades into a world of misery, of hopelessness, and of frustration.

I did not become president to preserve a society where the poor will become poorer and the rich to become richer.

Bakit ito nangyayari? Isa sa mga sagot ko dito ay dahil wala tayong sapat na pananalapi para tustusan and mga gastusing pangkabuhayan, Wala tayong sapat na kapital at pondo na naka-imbak sa ating ekonomiya para sagutin ang mga pangangailangang iyan.

Ginagawa ko ngayon at hinahanap ko ang lahat ng paraan upang ituwid ang kahirapang ito. Ginagawa ko ang lahat upang itawid ang ating mga kababayan sa krisis ng kabuhayan upang masabi naman natin na ang pilipino ay kayang umangat, kayang umahon sa kalbaryo ng kanyang pinapasan. Alam kong ang mga nagdaang pangulo ay nagsikap na labanan ang kahirapan pero hindi nila ito natugunan dahil wala silang magamit na kapital. Hindi sila nakalikom ng sapat na pananalapi upang palakasin ang ekonomiya para mabigyan ng hanap buhay ang ating mga kababayan.

Sa kabila ng mga pagbatikos at pagpuna sa akin, nakikipagsapalaran ako ngayon na mabago ang takbo ng buhay ng ating mahihirap na mga kababayan. Dito nagmumula ang aking panukala na pag-aralan ang ating saligang batas, lalo na ang mga probisyon nito na sagabal sa ating kaunlaran at pumipigil sa pagpasok ng dayuhang puhunan.

Dahil sa ilang mga probisyon ng saligang batas, ang dayuhang puhunan ay hindi natin lubos na magamit para suportahan ang pagtatayo ng mga pasilidad sa electrisidad, sa waterworks, sa telekomunikasyon, sa electronic facilities at iba pang mga gamit para lumakas ang ekonomiya at para magkaroon ng kabuhayan at hanapbuhay ang ating mga kababayan.

Hindi lumalago at dumadami ang ating mga pabrika at industriya dahil sa kulang tayo sa kapital. dahil dito, marami sa atin and walang hanapbuhay. Hindi makapasok ang dayuhang puhunan dahil pinipigil ito ng ating mga batas. Ang ibang bansa sa halip ang nakikinabang samantalang tayo ay nahuhuli.

Sa aking pagdalaw sa ibang bansa, nakita ko na ito ay ginagawa na nila. Mapapansin mo ang buhos ng dayuhang kapital sa kanilang ekonomiya, at ito ay pinag-aralan ng ating mga economic managers. Ito ang isang mabigat na dahilan kung bakit tayo ay nahuhuli.

We need to adjust our constitution with global realities, for the present constitution that we have was framed in a different time, where the economy of nations was based on protectionism and where competition was not as intense as today.

Sa panahon ng globalisasyon na binabalot ng mahigpit na kompetisyon ng mga bansa, kailangan nating isabay ang ating mga batas at patakaran sa takbo ng kalakalan sa mundo.

Ito ang sentro ng aking panukala sa pagbabago ng ating saligang batas. Hindi ang politika na kung saan ay iilan lamang na naman ang makikinabang. Inuulit ko sa inyo. Hindi ito politika dahil ang panukalang ito ay para sa reporma ng ekonomiya. Kung magkakaroon man ng pagbabago sa sistema sa politika, sa term limits ng mga kongresista, ng mga pinuno ng pamahalaang lokal o ng pangulo pa man. Ito ay papayagan kong mangyari lamang pagkatapos ng aking panunungkulan.

Iba ito sa Cha-Cha noong nakaraan administrasyon. hindi pulitika ang usapan dito. Iyong mga kumokontra lamang ang nagpupumilit na ipasok ang pulitika. Wala itong hidden agenda tungkol sa aking panunungkulan. Hindi ito ballroom dancing na nagsasayaw ng Cha-Cha na paurong sulong. Ito ang tinatawag nating Con-cord na ang ibig sabihin ay Constitutional Correction for Development. Ekonomiya ang usapan dito at hindi pulitika. Ako mismo ang tututol sa anumang pagbabago sa mga political provisions ng ating saligang batas.

This is not the cha-cha of the previous administration. The issue here is not the extension of the term limits of the president or of any other elected official, but the reform of our constitution and the economic system that we now have. This is also not about a shift to a parliamentary form of government.

Sa aking mga kritiko, ito ang aking masasabi, hindi ko kayo pipigilang mag-protesta o mag-rally kailanman. Ito ay inyong karapatan, subalit sana ay pakinggan din ninyo ako para tayo'y magka-unawaan at magka-isa para sa ating bayan. Mag-usap tayo sa diwa ng aking panukala sa reporma sa ekonomiya. Huwag nating guluhin at lituhin ang ating mga kababayan. I appeal for a sober and mature discussion of the relevant issues in the proposed constitutional amendments instead of innuendos.

Kaya nga ako ay nagtatag ng isang preparatory commission na binubuo ng mga taong iginagalang ng ating lipunan upang pag-aralan ang mga mungkahi ko. Sila ay inatasan kong makipag-ugnayan sa lahat ng sektor ng ating bansa.

Alam kong mayroong kumokontra sa akin dito lalo na iyong mga nasa poder ng kapangyarihang pang-ekonomiya. Maaaring mabawasan ang kanilang impluwensiya at kayamanan. They are threatened by this new emerging order for it might diminish their power as it empowers the ordinary man.

Iba't ibang paratang ang sinasabi sa akin. Sasagutin ko ang inyong mga reklamo sa covenant kanina.

Una, walang compromise settlement sa mga marcoses. Walang secret deal, sa nakalipas na labindalawang taon, wala tayong nakuha sa ill-gotten wealth. Ngayon isang taon pa lamang ako, inilagay ko ang dating legal counsel na pinagtitiwalan ng dating pangulong Cory Aquino bilang chairman ng PCGG para mamuno sa recovery ng ill-gotten wealth. Kung mayroon mang compromise o negosasyon sa ill-gotten wealth, hindi maaaring hindi ito magdaan sa chairman ng PCGG na malapit na malapit sa dating pangulong Cory Aquino. Ang mga akusasyon ng compromise ay bunga ng panlilinlang sa taong bayan sa pamumuno ng isang pahayagan na alam na ninyo siguro kung alin.

Pangalawa, sinusupil ko daw ang kalayaan ng pamamahayag. Mayroon na ba akong pahayagang ipinasara o peryodista na ipinakulong? Kamakailan, mayisang pahayagan ang ibinenta dahil sa pagkalugi. Ako pa rin ang pinagbibintangan sa pagkalugi nito.

Agrabyado ang mga maliliit at mahihirap nating mga mamamayan. Pati sa mga surveys sa telebisyon. Kailangan kang tumawag sa telepono para ipaabot ang iyong posisyon. Ilan ba sa ating mga kababayan ang may telepono para makasali dito? Sa madaling salita, sa mga usapan, karaniwan ay hindi kasama iyong mahihirap, at gusto kong isama sila hindi lamang sa usapan.

I aspire to bring the large majority of our people in to the mainstream of productive economic activities in this country because they matter most to me.

Hinihiling ko na sana'y ipagdasal ninyo ako kasama ang aking mga kritiko. Sana ay lahat tayo ay mabigyan ng liwanag ng poong maykapal.

Ang paalala ko na lamang sa ating lahat, ayon kay San Lukas, "judge not and you shall not be judged, condemn not and you shall not be condemned, forgive and you shall be forgiven" (Luke 6:37).

Sa lahat ng ito, malinis ang aking konsiyensiya, sa mata ng diyos at ng ating mga kababayan, alam ko na ang aking hangarin ay para sa kapakanan at interes ng nakararami. Kahit gaano kaganda ang hangarin ng isang ama ng bayan para sa kanyang lipunan, kung walang sapat na kakayahan, hindi ito magagawa. Ito ang puno't dulo ng aking panukala.

Hahayaan kong hatulan ako ng bayan, dahil isinusumpa ko sa inyo na ang bayan ang magpapasya sa anumang pagbabago at hindi ang pangulo o sinumang politiko o negosyante. Hindi natin isasanla ang ating kinabukasan sa dayuhan, kundi tinutubos natin ang ating mga kababayan mula sa kahirapan. Kung tinubos tayo ng panginoon sa kasalanan, kailangan tubusin rin natin ang ating mga kababayan mula sa kahirapan. Ito ang diwa ng pagmamahal sa ating kapwa.

Ang sabi nga sa proverbs, maaaring isipin mo nalahat ng iyong gagawin ay tama, ngunit ang panginoon ang hahatol sa iyo kung tunay na malinis ang iyong hangarin. You may think that everything you do is right, but remember that the Lord judges your motives (Proverbs 21:2).

Isinusumpa ko na tatapusin ko ang aking panunungkulan sa takdang panahon ayon sa saligang-batas. Tatapusin ko ito na may iiwanang pamana ng pag-asa, ng kaunlaran, ng katahimikan at ng demokrasya sa ating lipunan. Ito ang aking pangako at tinitiyak ko sa inyo na gagawin ko ito. Walang makakapigil sa kin na gawin ang lahat upang mai-ahon at mai-angat ang ating mga mahihirap na kababayan. Kayo ang naglagay sa akin dito, at kayo ang aking pagsisilbihan.

Walang dapat ikatakot ang sinuman dahil ito ay mga pagbabago ng ekonomiya. Ito ay pag-aaralan ng preparatory commission pagkatapos ay pag-uusapan sa kongreso. Anuman ang ipasa ng kongreso ay ibibigay sa sambayanang pilipino na siyang huling magpapasya. Walang kasamang pulitika dito.

Muli kong ipinaaabot ang aking pagbati kay Brother Mike sa kanyang kaarawan at sa inyong lahat sa pagdiriwang ng pagkakatatag ng El Shaddai Prayers Partners Foundation International. Hindi tayo susuko sa kahirapan, at hindi tayo natatakot na harapin ang hamon ng ating kinabuksan, dahil ang ating paninindigan ay para sa kapakanan ng ating mg kababayan, ng ating lipunan sa ilalim ng patnubay ng dakilang lumikha.

Maraming salamat, at mabuhay ang El Shaddai at maligayang kaarawan muli kay Brother Mike.

 

BACK TO TOP