Published on Archipelago, The Week of March 14, 1997

Topak at Moralidad

 

Ni Heber Bartolome


Nang mapabalita ang panukala ni Senador Miriam Defensor Santiago na kasuhan ng prostitution ang mga bold stars sa pelikula, may ilang nag-akala na meron siyang katwiran. May mga napatango nang sabihin niyang pwedeng gamiting ebidensya ang pelikula mismo ng mga ito. Pero kapag nahimasmasan na ang mga nagsipag-akalang makatwiran ang panukalang ito, saka lang nila maiisip na baka nga totoong may topak sa utak ang mataray na senadora.

Iniisip siguro ni Miriam na nakatsamba siya ng isang "bright idea." Astrologically, sinundot siguro ng planetang Mars (god of war, planet of action, hate, accident, error) ang kanyang planetang Mercury (messenger of the gods, planet of communication). Maaaring naiisip na niya ngayon ang kanyang pagkakamali dahil meron naman siyang asawang abugado at siguro'y mga advisers na walang topak.

Kapag umandar ang katigasan ng kanyang ulo at ipinagmatigasan niya ang panukalang ito, lalabas na wala siyang alam sa sining. Mababawasan siguro pati ang mga tagahanga niyang estudyante. Kung sakaling magkaroon ng 1998 presidential election, hindi siya iboboto ng mga artists sa lahat ng larangan, kabilang ang na mga bold stars at sangkaterbang puta, pati na ang mga tagahanga at customers ng mga ito.

Malabo ang panukalang ito. Ginaganap lamang ng isang aktres o aktor ang karakter na nasa script ng isang pelikula. Kung pwedeng kasuhan ng prostitution sina Rosanna Roces, atbp., puwede ring kasuhan ng murder sina Paquito Diaz at lahat ng pumapatay na kontrabida sa pelikula.

Sa isang anggulo, maaaring namumulitika lamang si Miriam. Inaakala niyang iboboto siya ng 80% Katoliko dahil meron siyang crusade laban sa prostitution. Pero laging puno ng tao ang mga bold shows, bold movies, at napakaraming botante rin ng mga ito. Ano't anuman, tinitimbang marahil ng senadora na nasa panig siya ng kabutihan bilang kaaway ng prostitution.

Ang isa pa yatang definition, hindi lamang ni Miriam kundi ng marami sa atin, ng salitang prostitute ay kapag binayaran ka upang makipag-sex. Kaya't kung tumanggap ka ng talent fee at lumabas ka sa pelikula na may pumping scenes ay para ka na ring puta.

Halimuyak ng puta

Saan ba galing ang salitang puta? Ang literal na kahulugan ng salitang puta ay babaeng aso. Pero hindi naman nagpapabayad ang babaeng aso kapag ito'y naglalandi. Pakalat-kalat ito sa kalsada at naghahanap ng mahahala. Init na init itong uungot-ungot para makipagkaplugan sa kapwa aso. Meron siyang halimuyak ng isang puta, kaya't sangkaterbang lalaking aso ang aamoy-amoy sa kanyang likuran, nag-aangilan-kagatan-patayan at nag-uunahang kumabit sa kanya.

Kailangan ba talagang bayaran ka para maging isang puta? Kung may reputasyon kang mahilig sa sex, laging nasa labasan at kumakabit sa kung sino-sinong lalaki, kung hindi puta ang tawag sa iyo, ano ka, sex goddess? Siguro. Baka. Ewan. Iniisip kasi agad natin na kasalanan ang maging isang puta. Illegal kasi. At saka sa pamantayan ng ating lipunan, mababa ang moralidad mo kapag nasabing ikaw ay puta.

Anak ng pokpok

Babae lang ba ang puta? May puta ring lalaki. Puto. Nasaan na ba yang mga dance instructors na yan na ginagastusan ng mga Misis na kumaliwa sa kanilang mga Mister? Kung tatanggapin natin ang definition na ang puta ay nagpapabayad para makipag-sex, e di ang isang lalake na nagpapabayad ay ganoon din. Puto. Maraming puto ngayon ang ipinagbibili dyan sa tabi-tabi. Binabayaran ng mga bakla at matronang babae. Maraming puto ngayon ang anak ng puta na ngayo'y mga sikat na artista.

Moralidad?

Ang talagang ugat ng mga pagtatalo sa problemang ganito ay ang ating pananaw sa moralidad. Maski nga yung mga nudes ni Amorsolo at iba pang pintor na balak gawing stamp o selyo sa Post Office e hindi makalusot. Cultural shock ba 'yon? Iniisip kaya ng sensura na baka pagdyakulan ng kalalakihan itong mga postage stamps?

Hindi ba nila alam na santambak na video shops ang patagong nagpaparenta ng porno movies? Bagamat ipinakita sa publiko ang pagsunog sa mga lokal na bomba komiks, nariyan pa rin ang mga ito. Nariyan pa rin ang mga Penthouse, Playboy, Hustler, at iba pang kema-mahal na foreign magazines. Karapatan ba ng Board of Censors o ng isang presidential decree na pigilin ang kalibugan ng isang tao? Biological nature yan e. Parang jingle. Paano mo pipigilin ang pag-jingle ng isang tao? Well, kailangan pa rin natin ng kontrol. Hindi porke ihing-ihi ka na e iihi ka sa loob ng bus, o sa loob ng sinehan. Option mo pa rin ang maging disente.

Hayaan nating magdyakol ang gustong magdyakol. Wala itong side effects para mabawasan ang paglago ng ating populasyon. Dapat itong ikonsider ng USAID na siyang nagpo-promote ng family planning sa Pilipinas. Mas ligtas ito kasya mga bakuna na may halong tetanus toxoid.

Ginagamit nila ang isyu na tayo ay bansang Kristyano at maka-Diyos kaya't mahalay para sa sambayanang Pilipino ang magpakita ng nakahubad na larawan ng babae, maging sa sine o sa mga babasahin. Lalo pang makasalanan kung ipinapakita sa isang pelikula ang hindutan ng isang babae at lalake.

Bawal nga ba sa isang Kristyano ang maging puta? Bakit ipinagtanggol ni Kristo si Magdalena? Isipin muna nating mabuti. E kung talagang mga Kristyano tayo, halinang ipagtanggol natin sina Osang at iba pang bold stars, dahil sila ay binabato ng mga tulad ni Miriam at ni Mayor Lim.

The oldest profession

Nakasama ko sa iisang tirahan ang maraming hostess sa Olongapo noong ako ay kumakanta pa roon. Masasabi kong sa kanilang hanay, mas marami pa ang totoong Kristyano kaysa mga pulitikong humuhusga na sila ay makasalanan, gumagawa ng labag sa batas at dapat parusahan.

Prostitution is the oldest profession. Kahit saan meron nito. Tulad ng marijuana, ito ay legal sa Holland at iba pang mga bansa. Nagiging Illegal naman dito sa atin ang mga clubs, karaoke, massage parlor at iba pang nagiging front ng prostitution kapag walang lagay o kulang sa lagay.

Sa palagay ko, wala na akong masasabi pa.


Nakilala bilang isang makabayang mang-aawit, si Heber Bartolome ay tapos ng Fine Arts sa U.P. at doon din nag-M.A. ng Filipino Literature. Isa sa mga founder ng Galian sa Arte at Tula, siya ay naging professor ng panitikan sa De La Salle University. Pansamantalang nagsusulat ngayon si Heber habang nag-iipon ng mga kanta para sa susunod niyang album.

Main | Talk of the Town | Top of the Week | Literary | Forum | Contact the Editor | Past Issues

All Rights Reserved, Resources, Inc.